The Six Million Dollar Man
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang The Six Million Dollar Man (maaring isalin sa Tagalog na Anim na Milyong Dolyar na Lalaki) ay isang serye sa telebisyon sa Estados Unidos tungkol sa isang kathang-isip na cyborg (isang pinaghalong tao at robot) na naghahanapbuhay para sa OSI o Office of Scientific Intelligence (Tanggapan ng Karunungang Pang-agham) o tinatawag ding Office of Scientific Investigation (Tanggapan ng Makaagham na Pagsisiyasat), maging Office of Strategic Intelligence (Tanggapan ng Maparaang Karunungan)[1]. Ibinatay ang palabas sa nobelang Cyborg ni Martin Caidin. Sumahimpapawid ito ng American Broadcasting Corporation bilang isang serye mula 1974 hanggang 1978, makaraan ang tatlong pelikulang pantelebisyong pumailalanlang sa himpapawid noong 1973. Ginampanan ni Lee Majors - isang sikat na artistang Amerikano noong dekada ng 1970 - ang katauhan ng pangunahing kathang-isip na tauhang si Steve Austin. Nagkaroon din ito ng katumbas na palabas na kinabibidahan ng isang babaeng "taong-robot", ang The Bionic Woman.
Ang article ay isang Ulila, dahil walang ibang mga artikulo ang naka-link dito. Mangyaring mula sa ipinakilala ang mga link sa pahinang ito mula sa mga kaugnay na artikulo; subukan mo ang Find link tool para sa mga mungkahi. (Enero 2014) |
The Six Million Dollar Man | |
---|---|
Uri | science fiction television series, television series based on a novel |
Gumawa | Kenneth Johnson |
Batay sa | Cyborg |
Direktor | Kenneth Johnson |
Pinangungunahan ni/nina | Lee Majors, Richard Anderson, Martin E. Brooks |
Kompositor | Jerry Fielding |
Bansang pinagmulan | Estados Unidos ng Amerika |
Wika | Ingles |
Bilang ng season | 5 |
Bilang ng kabanata | 99 (list of The Six Million Dollar Man episodes) |
Paggawa | |
Prodyuser | Kenneth Johnson |
Oras ng pagpapalabas | 48 minuto |
Kompanya | American Broadcasting Company |
Distributor | NBCUniversal Syndication Studios |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | American Broadcasting Company |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 18 Enero 1974 (1974-01-18) ā 6 Marso 1978 (1978-03-06) |
Kronolohiya | |
Kaugnay na palabas | The Bionic Woman |