![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/8/86/Tempura_02.jpg/640px-Tempura_02.jpg&w=640&q=50)
Tempura
pagkaing Hapones na gawa sa nirebosadong isda o gulay / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang tempura (天ぷら o 天麩羅, tenpura, [tempɯɾa]) ay isang ulam sa bansang Hapon na karaniwang binubuo ng pagkaing-dagat o gulay na ibinabad sa batido at pinirito. Ipinakilala ang ulam ng mga Portuges sa Nagasaki noong ika-16 siglo sa pamamagitan ng mga teknika ng pagluluto ng fritter. Nagmula ang salitang tempura sa salitang tempora sa wikang Latin, na tumutukoy sa mga oras ng pag-aayuno kung kailan idinikta ng simbahan sa mga Katoliko na umiwas sa karne.[1]