Teknolohiya
Paglapat ng kaalaman sa praktikal na paraan / From Wikipedia, the free encyclopedia
Téknolohíya[lower-alpha 1][2] ang paglapat sa kaalaman sa praktikal na paraan, lalo na sa paraang nauulit.[3] Sa karaniwang diskurso, maaari ring tumukoy ang salita sa mga produktong resulta ng paglalapat na ito,[4] kagaya ng mga pisikal na bagay tulad ng kagamitan at makina, at di-pisikal tulad ng software. Mahalaga ang papel ng teknolohiya sa maraming larangan, at madalas teknolohiya ang resulta ng mga ito, kagaya ng sa agham at inhinyera.
Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago. Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin. |
Nakakapagpabago ang pag-usad ng teknolohiya sa direksiyon ng lipunan. Kabilang sa mga pinakaunang teknolohiya ng mga tao ay ang mga kagamitang yari sa bato at ang pagkontrol sa apoy, na parehong nagpabilis sa paglaki ng utak ng tao, na humantong kalaunan sa pag-usbong ng mga wika noong Panahon ng Yelo. Lumawak ang malalakbay ng mga tao nang maimbento ang gulong noong Panahon ng Bronse, na nagpasimula sa paggawa sa mga mas komplikadong makina. Pagkatapos nito, ilan sa mga mahahalagang imbensiyon ng tao ay ang limbagan, makinang pinasisingawan, sasakyan, at ang internet, na nagpasimula sa ekonomiyang makakaalaman.
Bagamat direktang nakakaambag sa paglago ng ekonomiya, sanhi rin ang teknolohiya ng polusyon at pagkaubos ng yaman. Nakakaapekto rin ito sa lipunan sa negatibong paraan, kagaya ng kawalang-trabaho dulot ng teknolohiya dahil sa otomasyon. Bilang result nito, nagkaroon ng mga debate sa politika at pilosopiya ukol sa gampanin ng teknolohiya, ang etika nito, gayundin ang paghahanap sa mga paraan upang mabawasan ang mga masasamang epekto nito.