From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa mitolohiyang Seltiko, si Taranis ay ang diyos ng kulog na pangunahing sinasamba sa Gaul ng Kapuluang Britaniko, subalit sinasamba rin sa mga rehiyon ng Rhineland at ng Danube, sa piling ng iba pa. Si Taranis, kasama nina Esus at Toutatis bilang kabahagi ng isang banal na katatluhan, ay binanggit ng makatang Romanong si Lucan sa kaniyang tulang epiko na Pharsalia bilang isang anitong Seltiko na pinag-aalayan ng mga handog na tao.[1] Iniugnay si Taranis, katulad ng cyclops na si Brontes ("kulog") ayon sa mitolohiyang Griyego, sa gulong.
Maraming mga representasyon ng isang diyos na balbas na mayroong hawak na isang kidlat ng kulog at isan gulong sa isa pang kamay na nakuha magmula sa Gaul, kung saan ang diyus-diyosang ito ay tila nabuo na kasama ni Hupiter.[2]
Ang pangalan, ayon sa pagtatala ni Lucan, ay hindi napatunayang epigrapiko, subalit ang mga baryasyon ng pangalan ay kinabibilangan ng mga anyong "Tanarus, Taranucno-, Taranuo-, at Taraino-.[3][4]
Ang pangalan ay nagpatuloy sa mitolohiyang Irlandes bilang Tuireann, at maaaring may kaugnayan sa mga diyos ng kulog na Hermaniko (Norsikong Thor, Angglo-Sakson na Þunor, Alemang Donar) at mga diyos ng kulog na mga taong Sami (Horagalles). Si Taranis ay maaaring may kaugnayan sa Galyikong (Gallic) si Ambisagrus (na maaaring mula sa Proto-Seltikong *ambi-sagros = "patungkol sa lakas"), at sa interpretatio romana na Hupiter.
Ang muling binuong Proto-Seltikong anyo ng pangalan ay *Toranos "kulog".[5] Sa kasalukuyang araw, ang taranu at taran ng wikang Gales ay may kahulugang 'kumulog' o 'kulog' (taraniñ at taran sa wikang Breton), at ang pangkasalukuyang Tarann ng wikang Irlandes ay may kahulugang 'kulog'. Ito ay maaaring may kaugnayan sa Sinaunang Griyegong "ουρανός" ("ouranos", na may kahulugang "himpapawid"), at "του ουρανού" ("touranou" o "touranos", na may kahulugang "ng himpapawid" o "mula sa himpapawid", na maaaring nagpapahiwatig ng pinagmulan ng kulog (tingnan din ang Ogmios).
Si Taranis, bilang personipikasyon ng kulog, ay kadalasang iniuugnay sa kahalintulad na mga diyus-diyosang matatagpuan sa iba pang mga panteong Indo-Europeo. Sa mga ito, ang mula sa Matandang Wikang Nordikong Þórr, ang Anglo-Saxong Þunor, ang Matandang Mataas na Alemang Donar — na lahat na nagmula sa Proto-Hermanikong *þunraz o *þonar-oz — at ang teonimong Tarhun (tingnan ang Teshub) ng mga Hitita ay naglalaman ng maihahambing na elementong *torun-. Ang Trasiyanong mga pangalan ng diyus-diyosan na Zbel-thurdos at Zbel-Thiurdos ay naglalaman din ng ganitong elemento (ang [[wikang Thraciano|Trasiyanong thurd(a), "itulak, ibagsak na papisa"). Ang pangalan ng diyos ng kulog ng Sami na Horagalles ay hinango mula kay Thor.[6][7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.