![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/a/ad/Philippines_location_map_%2528square%2529.svg/langtl-640px-Philippines_location_map_%2528square%2529.svg.png&w=640&q=50)
Talampas Benham
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Talampas Benham (Ingles: Benham Plateau o Benham Rise) ay isang rehiyong nakalubog sa tubig at patay na bulkanikong gulod na matatagpuan sa Dagat Pilipinas sa tinatayang 250 km (160 mi) silangan ng hilagang baybayin ng Dinapigue, Isabela. Sa ilalim ng Dagat Pilipinas ay matatagpuan ang ilang mga basin kasama na dun ang West Philippine Basin, na sa loob nito ay matatagpuan ang Central Basin Fault (CBF).[1] Matatagpuan ang Talampas Benham sa loob ng CBF at inaakala na ang saligang ito ay isang maliit na kontinente.[2] May mga pang-agham na pagsisiyasat na ginawa sa anyong ito upang pag-aralan ang kalikasan nito at ang kaniyang epekto sa tektonikong paglubog (tectonic subduction), kabilang dito ang naging epekto nito sa lindol sa Luzon noong 1990. Inangkin ng Pilipinas ang lugar na ito, maging ang kaniyang bahagi ng continental shelf, at siyang naghain ng pag-aangkin sa United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf (UNCLOS, Komisyon ng mga Nagkakaisang Bansa ukol sa Katakdaan ng Continental Shelf) noong 8 Abril 2009, at inaprubahan ng UNCLOS noong 2012.[3]
Talampas Benham Benham Plateau / Benham Rise | |
---|---|
Mga koordinado: 16°30′N 124°45′E | |
Bansa | ![]() |