![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/1/1c/Crossville_directional_sign%252C_1937.jpg/640px-Crossville_directional_sign%252C_1937.jpg&w=640&q=50)
Talaan ng mga munisipalidad sa Tennessee
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tennessee ay isang estado na matatagpuan sa Katimugang Estados Unidos. May 346 na mga nasapi (o nainkorporadang) munisipalidad sa estado. Ang mga munisipalidad sa ay itinakda bilang mga "lungsod" o "bayan", subalit walang pagkakaiba ang mga ito kung ibabatay sa batas ng estado. Magmula noong 2010, 3,564,494 na mga katao, o mga higit sa 56% ng kabuuang populasyon ng estado na 6,346,105, ay nakatira sa mga munisipalidad. Ang natitira ay nakatira sa mga hindi nasaping pook.[1]
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/1/1c/Crossville_directional_sign%2C_1937.jpg/640px-Crossville_directional_sign%2C_1937.jpg)
Ilan sa mga munisipalidad sa Tennessee ay tinawag na mga "lungsod" ("cities") at ang iba naman ay tinawag na mga "bayan" ("towns").[2] Ang mga katawagang ito ay walang ligal na kahalagahan sa Tennessee[3] at hindi magkaugnay sa populasyon, petsa ng pagtatatag, o uri ng kartang munisipalidad.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/29/Tennessee_in_United_States.svg/640px-Tennessee_in_United_States.svg.png)