![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/58/Ohio_in_United_States.svg/langtl-640px-Ohio_in_United_States.svg.png&w=640&q=50)
Talaan ng mga lungsod sa Ohio
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ohio ay isang estado na matatagpuan sa Gitnang-Kanlurang bahagi ng Estados Unidos. Ayon sa senso ng Estados Unidos noong 2010, pampito ang Ohio sa mga pinakamataong estado na may &0000000011536725.00000011,536,725 katao, subalit pantatlumpu't-lima ito sa mga pinakamalaking estado batay sa lawak ng lupain na umaabot sa 40,860.69 milya kuwadrado (105,828.7 kilometro kuwadrado).[1] Nahahati ang Ohio sa 88 kondado at may 938 nainkorporadang munisipalidad na binubuo ng mga lungsod at nayon.[2] Hindi bukod-tangi ang pangalan ng mga munisipalidad sa Ohio: may nayon ng Centerville (sa Kondado ng Gallia) at lungsod ng Centerville; gayundin may lungsod ng Oakwood at dalawang magkapangalang nayon: Oakwood (Kondado ng Cuyahoga) at Oakwood (ng Kondado ng Paulding).
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/58/Ohio_in_United_States.svg/640px-Ohio_in_United_States.svg.png)