![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/22/Mississippi_in_United_States.svg/langtl-640px-Mississippi_in_United_States.svg.png&w=640&q=50)
Talaan ng mga lungsod sa Mississippi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Mississippi ay isang estado na matatagpuan sa Katimugang Estados Unidos. Ayon sa senso ng Estados Unidos noong 2010, pantatlumpu't-dalawang pinakamataong estado ang Mississippi na may &0000000002968103.0000002,968,103 katao at pantatlumpu't-isang pinakamalaking estado ayon sa lawak ng lupa na umaabot sa 46,923.27 milya kuwadrado (121,530.7 kilometro kuwadrado).[1] Nahahati ang Mississippi sa 82 kondado at may 299 nainkorporadang munisipalidad na binubuo ng mga lungsod, bayan, at nayon.[2][3]
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/22/Mississippi_in_United_States.svg/640px-Mississippi_in_United_States.svg.png)
Ibinukod ang mga munisipalidad sa Mississippi ayon sa laki ng populasyon. Sa oras ng pagsasapi o inkorporasyon, ang mga munisipalidad na may mga populasyon ng higit sa 2,000 ay iniuring mga lungsod, ang mga munisipalidad na may 301 - 2,000 katao ay iniuring mga bayan, at ang mga munisipalidad na may 100 - 300 katao ay tinawag na mga nayon.[3] Maaaring maginkorporada ang mga pook upang maging isang lungsod, bayan o nayon sa pamamagitan ng isang petisyong inilagda ng two–third ng mga kuwalipikadong botante na nakatira sa ipinapanukalang munisipalidad.[3] Ang pangunahing gawain ng mga pamahalaang munisipal ay upang magbigay ng mga serbisyo para sa mga nasasakupan tulad ng pagpapanatili ng mga daan at tulay, pagbibigay ng batas, proteksiyon sa apoy, at mga serbisyong pangkalusugan at pangkalinisan.[3]