Talaan ng mga lungsod sa Idaho
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Idaho ay isang estado na matatagpuan sa Kanlurang Estados Unidos. Ayon sa senso ng Estados Unidos noong 2010, panlabindalawa ang Idaho sa mga estadong may pinakakaunting populasyon na may &0000000001567652.0000001,567,652 katao subalit panlabing-isa ito sa mga pinakamalaking estado ayon sa lawak ng lupa na umaabot sa 82,643.12 milya kuwadrado (214,044.7 kilometro kuwadrado).[1] Nahahati ang Idaho sa 44 na kondado at may 201 nainkorporadang munisipalidad na itinakda nang naaayon sa batas bilang mga lungsod.[2]