Talaan ng mga Patriarka ng Simbahan ng Silangan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Patriarka ng Simbahan ng Silangan o Patriarka ng Silangan[1] ang patriarka o pinuno at punong obispo(na minsang tinutukoy na Katolikos(Catholicos) o pangkalahatang pinuno) ng Simbahan ng Silangan. Ang posisyong ito ay mula sa simulang mga siglo ng Kristiyanismo sa Persia at ang simbahang ito ay may iba't ibang mga pangalan kabilang ang Simbahang Nestorian, Simbahang Persian o Silangang Syrian.[2] Noong ika-16 at ika-17 siglo, ang Simbahan ay nakaranas ng sunod sunod na pagkakabahagi bahagi na humantong sa sunod sunod na mga magkakatunggaling patriarka at lipi. Ngayon, ang dalawang mga pangunahing simbahang lumitaw sa pagkakabahaging ito ang Asiryong Simbahan ng Silangan at Kaldeong Katolikong Simbahan na may sarili nitong mga patriarka na respektibong Patriarka ng Asiryong Simbahan ng Silangan at ang Patriarka ng Babilonia ng mga Kaldeo