From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang tagatukoy ng digital na bagay (Ingles: digital object identifier o DOI) ay isang matiyagang tagatukoy o handle na ginagamit upang matukoy ang mga bagay sa pantanging paraan, na isinapamantayan ng Organisasyong Pandaigdig para sa Pagsasapamantayan (ISO).[1] Isang pagpapatupad ng Sistema ng Handle,[2][3] laganap ang paggamit ng mga DOI sa pagtutukoy ng impormasyong pang-akademiko, pampropesyonal, at pampamahalaan, tulad ng mga artikulo sa periyodiko, ulat ng pananaliksik, hanay ng datos, at opisyal na publikasyon. Gayunman, ginagamit din ang mga ito sa pagtutukoy ng mga iba pang uri ng mapagkukunan ng impormasyon, tulad ng mga bidyong komersiyal.
Akronima | DOI |
---|---|
Organisasyon | International DOI Foundation |
Ipinakilala | 2000 |
Halimbawa | 10.1000/182 |
Pook-sapot | doi.org/the-identifier/what-is-a-doi/ |
Naglalayong maging "malulutasin" ang DOI, kadalasan sa isang anyo ng pag-akses sa bagay pang-impormasyon na tinutukoy ng DOI. Natatamo ito sa pagbibigkis ng DOI sa metadatos ng bagay, kagaya ng isang URL, na nagpapahiwatig kung saan mahahanap ang bagay. Sa gayon, sa pagiging maaksiyunan at interoperable, nag-iiba ang DOI sa mga tagatukoy tulad ng ISBN and ISRC na pakay lamang sa pagtutukoy ng kani-kanilang reperente sa pantanging paraan. Ginagamit ng sistema ng DOI ang indecs na Modelo ng Nilalaman sa pagkakatawan sa metadatos.
Ang DOI para sa isang dokumento ay nananatiling di-nagbabago sa tanang buhay ng dokumento, habang maaaring magbago ang lokasyon at iba pang metadatos nito. Ipinapalagay na ang pagsasangguni sa isang dokumentong online sa pamamagitan ng DOI nito ay nagbibigay ng mas matatag na kawing kaysa sa simpleng paggamit ng URL nito. Subalit sa tuwing nagbabago ang isang URL, kailangang isapanahon ng tagapaglathala ang metadatos para sa DOI para ikarga sa bagong URL.[4][5][6] Pananagutan ng tagapaglathala na isapanahon ang database ng DOI. Kung hindi nila gagawin iyon, nalulutas ang DOI sa patay na kawing at mawawala ang silbi ng DOI.
Ang tagapaglinang at tagapangasiwa ng sistema ng DOI ay Pandaigdigang Pundasyon ng DOI (IDF), na nagpakilala nito noong 2020.[7] Maaaring magtakda ng mga DOI ang mga organisasyong nakatutugon sa mga pinagkasunduang obligasyon ng sistema ng DOI at handang magbayad para maging miyembro ng sistema.[8] Ipinapatupad ang sistema ng DOI sa pamamagitan ng pederasyon ng mga ahensya ng pagpaparehistro na pinapangasiwaan ng IDF.[9] Bandang katapusan ng Abril 2011, higit sa 50 milyong pangalang DOI ang naitakda ng mga 4,000 organisasyon,[10] at pagsapit ng Abril 2013, ang bilang na ito ay naging 85 milyong pangalang DOI na itinakda ng 9,500 organisasyon.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.