Tagagamit:Chitetskoy/Artikulo/Simbahan ng San Sebastian
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Basilica Minore de San Sebastian, mas kilala bilang Simbahan ng San Sebastian, ay isang Romano Katolikong menor o mababang basilika sa Maynila, Pilipinas. Ito ang luklukan ng Parokya ng San Sebastian at ng Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo.
Basilica Minore de San Sebastián | |
---|---|
![]() | |
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Roman Catholic |
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyon | Basilica Menor |
Taong pinabanal | 1891 |
Katayuan | aktibo |
Lokasyon | |
Lokasyon | Quiapo, Maynila, Pilipinas |
Mga koordinadong heograpikal | 14°35′58″N 120°59′20″E |
Arkitektura | |
(Mga) arkitekto | Genaro Palacios |
Uri | Basilica |
Istilo | Neo-Gothic |
Groundbreaking | 1888 |
Nakumpleto | 1891 |
Mga materyales | steel, mixed sand, gravel & cement |
Naitayo ang Simbahan ng San Sebastian noong 1891, kung saan ito ay nakilala dahil sa mga katangiang arkitektural nito at halimbawa ng pagsasabuhay muli ng arkitekturang Gotiko ng Pilipinas. Ito ang nag-iisang simbahan o basilika sa Asya na yari sa bakal.[1][2] Noong 2006, idinagdag ang Simbahan ng San Sebastian sa mga posibleng maging Pandaigdigang Pamanang Pook. Itinalaga din ito bilang Pambansang Makasaysayang Palatandaan ng pamahalaan ng Pilipinas noong 1973.[3]
Ang Simbahan ng San Sebastian ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga Agustinong Rekoleto, na siya ding nagpapatakbo ng isang kolehiyo sa tabi ng simbahan. Matatagpuan ito sa Plaza del Carmen, sa silangang dulo ng Abenida Claro M. Recto sa Quiapo, Maynila.[4]