Tagagamit:CFCF/burador/Hemorrhoids
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Hemorrhoids (US English) o haemorrhoids NK /ˈhɛmərɔɪdz/, ay mgavascular kaanyuan sa anal canal na tumutulong sa pagkontrol ng dumi.[1][2] Ito’y nagiging resulta ng karamdaman o mga tumbok[3] kapag namamaga o pamamaga. Sa kanilang likas na estado, ito ay kumikilos bilang isang cushion na binubuo ng mga arterio-venous channel at nag-uugnay na tisyu.
<!—Mga Sintomas --> Ang sintomas ng mga patolohikal na almoranas ay depende sa naroong uri. Ang nasa loob na almoranas ay karaniwang naroon na walang sakit pagdurugo sa puwitan habang ang mga almoranas na nasa labas ay gumagawa ng ilang sintomas o kung namuong dugo sa ugat (thrombosed) may kapuna-punang sakit at pamamaga sa may puwit. Maraming tao ang hindi tama ang pagtukoy ng anumang sintomas na nakikita sa paligid ng anal-rectal bilang "almoranas" at ang mga malubhang sanhi ng sintomas ay hindi isama.[4] Habang ang talagang sanhi ng almoranas ay nananatiling hindi pa alam, ang bilang ng dahilan na nagpapalaki ng intra-abdominal pressure, partikular na kahirapan sa pagdumi, ay pinaniniwalaang may pagganap sa kanilang paglaki.
<!—Paggamot at epidemiology-->
Ang unang paggamot para sa katamtamang sakit ay binubuo ng mataas na pagkain ng fiber, pag-inom ng mga likido upang mapanatili ang tubig sa katawan, mga NSAID upang makatulong sa sakit, at pahinga. Ang bilang ng mga maliit na pamamaraan ay maaaring isagawa kung ang mga sintomas ay matindi o kapag hindi bumubuti gamit ang nakaugaliang paggamot. Ang pag-opera ay nakalaan para sa mga hindi bumubuti sa mga sumusunod na hakbang na ito. Hanggang sa kalahati ng mga tao ang maaaring makaranas ng mga problema sa almoranas minsan sa kanilang buhay. Ang mga kinalaabasan ay karaniwang maganda.