From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Super Junior (Koreano: 슈퍼주니어), na mas kadalasang tinatawag na SJ o SuJu (슈주), ay isang boy band mula sa Timog Korea na binuo ng SM Entertainment noong 2005. Sila ay may kabuuang bilang na labintatlong kasapi, upang sila ang maging pinakamalaking boyband sa buong mundo.[1] Binubuo ito nina Leeteuk (pinuno), Heechul, Han Geng, Yesung, Kang-in, Shindong, Sungmin, Eunhyuk, Donghae, Siwon, Ryeowook, Kibum, at Kyuhyun. Ang kasaping Tsino, si Han Geng, ay napili mula sa tatlong libong mga aplikante, mula sa audition na ginanap sa Tsina ng SM Entertainment noong 2001.[2]
Super Junior | |
---|---|
Sanligang impormasyon | |
Kilala rin bilang | SJ, SuJu |
Pinagmulan | Seoul, Timog Korea |
(Mga) Genre | Pop, sayaw, R&B, trot |
Mga taon ng kasiglahan | 2005–present |
(Mga) tatak | SM, Avex, Rhythm Zone |
Kaugnay na mga gawain | SM Town Super Junior-K.R.Y Super Junior-T Super Junior-M Super Junior-Happy |
Websayt | http://superjunior.smtown.com |
Members | |
Leeteuk Heechul Han Geng Yesung Kang-in Shindong Sungmin Eunhyuk Donghae Siwon Ryeowook Kibum Kyuhyun Henry |
Ang Super Junior ay naglabas at nagbahagi ng 19 na iba't ibang uri ng mga talaan (record) na may iba't ibang antas ng tagumpay.[3] Sa paglipas ng mga taon, sila ay nahati sa mas maliit na mga grupo, sabay-sabay na tinarget ang iba't ibang mga industriya ng musika at tagapagtangkilik. Dahil sa tagumpay ng Super Junior bilang mga tagapag-aliw, sinimulan na rin ng ibang mga koreanong kompanya ng tagapag-aliw ang turuan ang kanilang mga grupo ng musika sa ibang lugar ng musika, tulad ng pag-arte at hosting.[3] Bilang karagdagan sa kanilang pangkalakalan (commercial) na tagumpay, Ang Super Junior ay nakakuha ng pitong awards ng musuka mula sa M.net Asian Music Awards, labing isa mula sa Disk Golden Awards, at ang pangalawang grupo na nanalo ng Favorite Artist Korea sa MTV Asia Awards pagkatapos ng JTL noong 2008.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.