![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/04/Muzzaffar_%2528Mogadishu_area%2529_flag_according_to_1576_Portuguese_map.svg/langtl-640px-Muzzaffar_%2528Mogadishu_area%2529_flag_according_to_1576_Portuguese_map.svg.png&w=640&q=50)
Sultanatong Ajuran
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Sultanatong Ajuran (Somali: Dawladdii Ajuuraan, Arabe: الدولة الأجورانيون), binabaybay din bilang Sultanatong Ajuuraan,[1] at madalas bilang Ajuran lamang,[2] ay dating Somaling Muslim na sultanato [3][4][5] na namahala sa malaking bahagi ng Sungay ng Aprika sa Gitnang Kapanahunan. Sa pamamagitan ng isang malakas na sentralisadong pangangasiwa at ng isang mapusok na tindig na militar patungo sa mga mananalakay, ang Sultanatong Ajuran ay matagumpay na napigilan ang isang pananakop ng Oromo mula sa kanluran at isang Portuges na biglang paglusob mula sa silangan sa panahon ng Gaal Madow at ng mga digmaang Ajuran-Portuges. Ang mga pangkalakalan na ruta na itinayo mula sa sinaunang at maagang medyibal na panahon ng Somaling mga pandagat na negosyo ay pinalakas o muling itinatag, at mga banyagang kalakalan at komersyo sa mga baybaying lalawigan ay yumabong sa pamamagitan ng mga barko na naglalayag papunta at nagmumula sa maraming kaharian at imperyo sa Silangang Asya, Timog Asya, Europa, Malapit na Silangan, Hilagang Aprika at Silangang Aprika.[6]
Sultanatong Ajuran Dawladdii Ajuuraan الدولة الأجورانيون | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
ika-13 siglo–huling ika-17 siglo | |||||||||
Watawat | |||||||||
Kabisera |
| ||||||||
Karaniwang wika | Somali · Arabe | ||||||||
Relihiyon | Sunni Islam ![]() | ||||||||
Pamahalaan | Monarkiya | ||||||||
Sultan, Imam | |||||||||
Kasaysayan | |||||||||
• Pagkatatag | ika-13 siglo | ||||||||
1538–57 | |||||||||
1580–89 | |||||||||
Gitnang-ika-17 siglo | |||||||||
• Paghina | huling ika-17 siglo | ||||||||
Salapi | Ajuran • Mogadishan | ||||||||
| |||||||||
Bahagi ngayon ng | ![]() ![]() |
Ang sultanato ay nagiwan ng malawak na arkitektural na mana, bilang isa sa mga pangunahing medyibal na Somaling mga kapangyarihan na nakibahagi sa pagtayo ng mga kastilyo at muog. Marami sa mga wasak na kuta na nagtutuldok sa mga tanaw ng katimugang Somalia ngayon ay maiiugnay sa mga inhinyero ng Sultanatong Ajuran,[7] kabilang ang ilang ng mga parang ng mga haliging puntod, mga nekropolis at wasak na mga lungsod na itinayo noong panahon. Noong panahon ng Ajuran, maraming mga rehiyon at mga tao sa katimugang bahagi ng Sungay ng Aprika ay nagpalit sa Islam dahil sa mga teokratikong likas na katangian ng pamahalaan.[8] Ang maharlikang pamilya, ang Bahay ng Garen, ay nagpalawak sa mga teritoryo nito at itinatag ang magahum na panuntunan sa pamamagitan ng isang mahusay na kumbinasyon ng digma, ungnayang pangkalakalan at mga alyansa.[9]
Bilang isang haydrolikong imperyo, minopolisa ng Ajuran ang mga mapagkukunan ng tubig sa mga ilog ng Shebelle at Jubba. Sa pamamagitan ng haydrolikong inhenyeriya, nagtayo rin ito ng marami sa mga batong-apog na mga balon at mga sisterna ng estado na gumagana at ginagamit hanggang ngayon. Bumuo ang mga pinuno ng mga bagong sistema para sa agrikultura at pagbubuwis, na patuloy na ginamit sa mga bahagi ng Sungay ng Aprika sa kasing huli ng ika-19 siglo.[1] Ang tiraniko na pamamahala ng mga sumunod na Ajuran na mamamahala ay naging sanhi ng maramihang mga paghihimagsik na sumibol sa sultanato, at sa dulo ng ika-17 siglo, ang estadong Ajuran ay nagkahiwahiwalay sa ilang mga kahaliling kaharian at estado; ang Sultanatong Geledi bilang ang pinakakilala.[10]