Sultanato ng Delhi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Sultanato ng Delhi ay isang imperyong Islamiko na nakabase sa Delhi na umabot sa malaking mga bahagi ng subkontinenteng Indiyano at tumagal ng 320 taon (1206–1526).[2][3] Namuno ang limang dinastiya sa Sultanato ng Delhi sa ganitong pagkakasunod: ang dinastiyang Mamluk/Alipin (1206–1290), ang dinastiyang Khilji (1290–1320), ang dinastiyang Tughlaq (1320–1414),[4] ang dinastiyang Sayyid (1414–1451), at ang dinastiyang Lodi (1451–1526). Sumasakop ito sa mga bahagi ng Indya, Pakistan, Bangladesh at ilang mga bahagi ng katimugang Nepal.[5]
Bilang sumunod sa Sultanato ng Gurida, orihinal ang Sultanato ng Delhi sa isa sa mga ilang bilang ng mga prinsipalidad na pinamunuan ng mga Turkong aliping-heneral ni Muhammad Ghori, na sinakop ang malaking bahagi ng hilagang Indya, kabilang ang Yildiz, Aibek at Qubacha, na minana at hinati ang mga Guridang teritoryo sa kanilang mga sarili[6] Pagkatapos ng mahabang panahon ng malapit na labanan, napatalsik ang mga Mamluk ng rebolusyong Khalji na minarkahan ang paglipat ng kapangyarihan mula sa mga Turko tungo sa isang heterogeneyong maharlikang Indo-Mussalman.[7][8] Nakita ng parehong nagresultang dinastiyang Khalji at Tughlaq sa ganoong pagkakabanggit ang isang bagong bugso ng mabilis na mga pananakop ng Muslim sa kalaliman ng Timog Indya.[9] Sa wakas, sinapit ng sultanato ang rurok ng naabot nito sa heograpiya noong dinastiyang Tughlaq, na inokupa ang subkontinenteng Indiyano.[10] Sinundan ito ng panghina dahil sa muling pagsakop ng Hindu, na may mga estado tulad ng Imperyong Vijayanagara at Mewar na iginiit ang kalayaan, at tumiwalag ang mga bagong sultanatong Muslim tulad ng Sultanatong Bengal.[11][12] Noong 1526, nasakop ang Sultanato at sinundan ng Imperyong Mughal.
Nakilala ang sultanato para sa pagsasama nito ng subkontinenteng Indiyano sa pandaigdigang kalinangang kosmopolita[13] (na matibay na nakikita sa pag-unlad ng wikang Hindustani[14] at arkitekturang Indo-Islamiko[15][16]), na isa sa iilang mga kapangyarihan na itinaboy ang mga atake ng mga Mongol (mula sa Kanatong Chagatai)[17] at para sa pagkakaluklok sa isa sa iilang pinunong babae sa kasaysayan ng Islam, si Razia Sultana, na namuno mula 1236 hanggang 1240.[18] Ang mga pagsasanib ni Bakhtiyar Khalji ang may pananagutan sa malawakang kalapastanganan ng mga templong Hindu at Budista[19] (na nagdulot sa paghina ng Budismo sa Silangang India at Bengal[20][21]), at ang pagkawasak ng mga pamantasan at aklatan.[22][23] Ang mga paglusob ng Mongol sa Kanluran at Gitnang Asya ay itinakda ang eksena para sa mga siglo ng pandarayuhan ng mga tumatakas na sundalo, taong marurunong, mistiko, alagad ng sining, mangangalakal, at artesano mula sa mga rehiyong iyon tungo sa subkontinente, sa gayon itinatatag ang kulturang Islamiko sa Indya[24][25] at sa natitirang bahagi ng rehiyon.