Sugal
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang salitang sugal ay nagkaroon ng maraming magkakaibang kahulugan depende sa kultura o kasaysayang pinaggagamitan nito. Sa ngayon, sa mga Lipunang Kanluranin, ay mayroon itong kahulugang pang-ekonomika, tumutukoy sa "paggagamit ng salapi o mga bagay na may halaga sa mga kaganapan na hindi tiyak ang kakahantungan na ang pangunahing intensiyon ay manalo na karagdagang salapi o/at mga materyal na bagay".
Ang paglalaro[1] sa kontekstong ito na ay kadalasang inilalarawan sa mga sandaling ang mga aktibidad ay ginagawang legal ng mga karampatang batas o ang mga gawain na ito ay hindi kasama sa mga batas kriminal. Ang mga kompanyang nagpapalaro ay nagbibigay ng mga legal na gawaing sugal sa publiko.[2]
Sa Bibliya, mayroong sugal o pagsusugal na tinatawag na sapalaran o pakikipagsapalaran[3][4][5][6] (mula sa salitang palad[3]), na nangangahulugang pagbabakasakali, isang laro ng pagkakataon. Katumbas ito ng alaswerte, pag-ato, huwego (laro) o pagtikim.[3] Sinasabi pa rin na ginagawa ang palabunutan[7] upang malaman kung ano ang kagustuhan ng Diyos, kung sino ba ang mauuna o magwawagi.[8]