Subway (kainan)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Subway ay isang mabilisang kainan o fast food restaurant mula sa Estados Unidos na pribadong naka-prangkisa na pangunahing nagbebeneta ng mga submarine sandwich (subs) at salad. Isa ang Subway sa mga mabilis na lumagong prangkisa sa buong mundo[1] at, noong Hunyo 2017, mayroon itong tinatayang 45,000 mga tindahan sa higit na 100 na mga bansa. Higit sa kalahati ng mga tindahan na iyon ay matatagpuan sa Estados Unidos.[2][3][4] Ito ang pinakamalaki na isahang-tatak na restawran at ang pinakamalaking nagpapatakbo ng restawran sa buong mundo.[5][6][7][8]