Srinivasa Ramanujan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Srinivasa Ramanujan FRS ( pronunciation (tulong·impormasyon)) (Tamil: ஸ்ரீனிவாஸ ராமானுஜன்; 22 Disyembre 1887 – 26 Abril 1920) ay isang Indianong matematiko at autodidact na halos walang pormal na pagsasanay sa purong matematika ay nakagawa ng mga ekstraordinaryong kontribusyon sa mathematical analysis, number theory, walang hangganang serye, at mga patuloy na praksiyon. Pinaunlad ni Ramanujan ang kanyang pagsasaliksik sa matematika nang hiwalay sa pamayanang matematiko na sa panahong ito ay nakasentro sa Europa. Dahil dito, minsang niyang muling natuklasan ang mga alam na teorema bukod pa sa paglikha ng kanyang sariling mga gawa. Siya ay sinasabing isang natural na henyo sa parehong liga ng mga matematikong gaya nina Leonhard Euler at Carl Friedrich Gauss.[1]
Srinivasa Ramanujan | |
---|---|
Kapanganakan | 22 Disyembre 1887(1887-12-22) |
Kamatayan | 26 Abril 1920(1920-04-26) (edad 32) |
Nasyonalidad | Indian |
Nagtapos | Government Arts College Pachaiyappa's College |
Kilala sa | Landau–Ramanujan constant Mock theta functions Ramanujan conjecture Ramanujan prime Ramanujan–Soldner constant Ramanujan theta function Ramanujan's sum Rogers–Ramanujan identities Ramanujan's master theorem |
Karera sa agham | |
Larangan | Mathematics |
Academic advisors | G. H. Hardy J. E. Littlewood |
Impluwensiya | G. H. Hardy |
Pirma | |
Si Ramanujan ay ipinanganak sa Erode, Madras Presidency (ngayong Tamil Nadu) sa isang pamilyang Brahmin na Tamil ng sektang Thenkalai Iyengar.[2][3][4] Ang kanyang pormal na pagpapakilala sa matematika ay nagsimula sa edad na 10. Kanyang ipinakita ang kanyang natural na kakayahan at binigyan ng mga aklat sa mas maunlad na trigonometriya at naging dalubhasa rito sa edad na 12. Kanyang natuklasan ang mga teorema at muling natuklasan nang independiyente ang identidad ni Euler.[5] Kanyang ipinakita ang kanyang mga hindi karaniwang kakayahan sa paaralan na nanalo ng mga papuri at mga gantimpala. Sa edad na 17, kanyang isinagawa ang kanyang sariling pagsasaliksik tungkol sa mga bilang na Bernoulli at Euler–Mascheroni constant.
Siya ay nakatanggap ng scholarship upang mag-aral sa Government College sa Kumbakonam ngunit kalaunang binawi nang bumagsak sa kanyang mga kursong hindi matematika. Sumali siya sa isa pang kolehiyo upang ipursigi ang kanyang malayang pagsasaliksik na matematika at nagtrabaho bilang isang clerk sa Accountant-General's office sa Madras Port Trust Office upang suportahan ang kanyang sarili.[6] Noong 1912–1913, kanyang ipinadala ang mga sampol ng kanyang mga teorema sa tatlong mga akademiko sa University of Cambridge. Siya ay inanyayahan ni G. H. Hardy na pumunta sa Cambridge. Siya ay naging Fellow of the Royal Society at isang fellow ng Trinity College, Cambridge. Siya ay namatay sa sakit, malnutrisyon, at posibleng impeksiyon ng atay sa edad na 32. Sa kanyang buong buhay, tinipon niya ang halos 3900 resulta na karamihan ay mga identidad at mga ekwasyon sa matematika.[7] Ang halos sa kanyang mga pag-aangkin ay napatunayang tama ngunit may ilang maliit na resulta na mali at ang iba ay alam na.[8] Kanyang isinaad ang kanyang mga resulta na parehong orihinal at labis na hindi kombensiyal gaya ng Ramanujan prime at Ramanujan theta function na nagbigay inspirasyon sa malaking halaga ng mga karagdagang pagsasaliksik.[9] Noong Disyembre 2011, idineklara ng pamahalaan ng India ang kaarawan ni Ramanujan tuwing Disyembre 22 bilang Pambansang Araw ng Matematika bilang pagkilala sa kanyang mga ambag sa matematika at idineklara ang 2012 bilang Pambansang Taon ng Matemika.[10][11]