Spam sa pagmemensahe
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang spam sa pagmemensahe (o messaging spam), tinatawag din minsan bilang SPIM,[1][2][3] ay isang uri ng pag-spam na tinatarget ang mga tagagamit ng serbisyong dagling pagmemensahe o instant messaging (IM), SMS, o pribadong mensahe sa loob ng mga websayt.
Tinatarget ng lahat ng mga nag-i-spam ang mga sistema ng dagling pagmemensahe, tulad ng Telegram, WhatsApp, Twitter Direct Messaging, Kik, Skype at Snapchat. Maraming mga serbisyong IM ay publikong nakakabit sa mga platapormang social media, na maaring naglalaman ng impormasyon tungkol sa gulang, kasarian, lokasyon at mga interes. Tinitipon ng mga nagpapatalastas at mga manloloko ang mga impormasyon na ito, at naglo-login sa serbisyo, at nagpapadala ng mga hindi hiniling na mensahe na maaring maglaman ng mga link na panloloko, pornograpiyang materyal, malware o ransomware. Sa karamihan ng mga serbisyo, maaring iulat at harangin ng mga tagagamit ang mga account na spam, o itakda ang kagustuhan sa pagkapribado upang iyon lamang na nasa kontak nila ang makapagpapadala sa kanila.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.