Soichiro Honda
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Soichiro Honda (本田 宗一郎, Honda Sōichirō, 17 Nobyembre 1906 – 5 Agosto 1991) ay isang Hapones na inhinyero at industriyalista.[1] Noong 1948, itinatag niya ang kompanyang Honda at pinangasiwaan ang pag-unlad nito mula sa isang dampa na yari sa kahoy na ginagamit sa pagbuo ng mga motor ng mga bisikleta upang maging isang multinasyunal na pabrikang tagagawa ng awtomobil at motorsiklo.[2]