![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/55/Seatbelt.svg/langtl-640px-Seatbelt.svg.png&w=640&q=50)
Sinturong pangkaligtasan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang sinturong pangkaligtasan (Ingles: safety belt) o sinturong pang-upuan (Ingles: seat belt) ay isang uri ng pangkaligtasang singkaw (safety harness) na idinisenyo upang protektahan ang mananakay ng isang sasakyan laban sa mapanganib na kilos na maaaring dulot ng banggaan o biglaang paghihinto.[1] Bilang bahagi ng sistema ng kaligtasang balintiyak (passive safety) ng isang sasakyan, layunin ng sinturong pangkaligtasan na iwasang masugatan ang tagasuot sa panananggalang nito laban sa pagtama sa mga matitigas na bahagi ng loob ng sasakyan, o ng ibang pasahero (ang tinaguriang pangalawang banggaan o second impact), ay nasa tamang posisyon para maaaring makabintog ang air bag (supot ng hangin), at maiwasan ang paghagis ng pasahero palabas ng sasakyan.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/55/Seatbelt.svg/220px-Seatbelt.svg.png)