Sinok
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang sinok[1], sigok, o siyok[2] (Ingles: hiccup o hiccough; synchronous diaphragmatic flutter [magkakasabay na pagpintig o pagwagayway ng bamban] o SDF at singultus [mula sa Latin na singult, "ang kilos ng paghabol sa sariling hininga habang umiiyak o tumatangis"[3]] sa larangan ng panggagamot) ay ang hindi pakusang pasumpong-sumpong na pagsaginsin ng bamban. Inihihinto ng biglaang pagsasara ng tagukan ang pagpasok ng hangin, kaya't nakalilikha ng isang tunog ng pagsisinok.[4]