From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang singaw (Ingles: mouth sore, mouth ulcer, oral ulcer, mucosal ulcer, canker sore) ay isang uri ng kalagayan ng pagkakaroon ng sugat at paghapdi sa alin mang bahagi ng bibig, katulad ng gilagid, likuran ng mga labi, at dila. Ang sugat na singaw ay mayroong bilog na hugis at bahagyang pailalim ang pagkabilog, at may puting kulay. Itinuturing ang pagkakaroon ng singaw bilang isang likas na kaganapan sapagkat kusa itong nawawala kapag ginawa ang tamang mga pamamaraan ng paglunas dito.[1]
Ang singaw ay maaaring dahil sa pagkakagat ng isang tao sa sariling dila o labi, sa pagkakaroon ng iritasyon sa bibig, pagkakatusok ng tinik ng isda sa bahagi ng bibig, sa pagkapaso mula sa mainit na pagkain o inumin, marahas na pagsisipilyo, pagkakaroon ng impeksiyon (partikular na ang birus ng Herpes simplex), pag-inom ng mga gamot (partikular na ng Aspirin), pagkakaroon ng ibang sakit, o kahit na ang pagiging pagod, at maaaring ang pagbabago sa klima at temperatura.[1]
Ang mga nakakapaglunas ng singaw ay ang pagmumumog ng tubig na may asin (solusyong salina), pagpapahid sa singaw ng agwa oksihenada (hydrogen peroxide, agua oxygenada) na may halong katapat na dami ng tubig sa pamamagitan ng cotton bud (patpat na may usbong ng bulak). Nakakatulong din sa hindi paglala ng singaw ang hindi pagkonsumo ng mga inumin at pagkaing maiinit, maaanghang, at maaasim. Nakakatulong din sa paggamot ng singaw ang ilang mga gamot na nireseta ng mga manggagamot.[1]
Kabilang sa mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng singaw ang pag iwas sa hindi paninigarilyo, ang pagsisipilyo nang dalawang ulit sa loob ng isang araw, ang pagsisipilyong nang may tamang diin lamang, ang maingat at dahan-dahang pagnguya, ang pag-iwas na maging balisa.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.