Sikkim
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Sikkim (/ sí·kim /; kilala rin na Shikim o Su Khyim) ay isang loobang estado ng India na matatagpuan sa kubundukan ng Himalaya. Kahangganan ng estado ang Nepal sa kanluran, at Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina sa hilaga at silangan, at Bhutan sa silangan. Nasa timog naman ang Indianong estado ng West Bengal.[2]
Sikkim | ||
---|---|---|
Estado | ||
| ||
Kinaroroonan ng Sikkim (kulay pula) sa India | ||
Mapa ng Sikkim | ||
Mga koordinado (Gangtok): 27.33°N 88.62°E | ||
Bansa | India | |
Tinaggap sa Unyon † | Mayo 15, 1975 | |
Kabisera | Gangtok | |
Pinakamalaking lungsod | Gangtok | |
Distrito | 4 | |
Pamahalaan | ||
• Gobernador | Shriniwas Dadasaheb Patil | |
• Pangunahing Ministro | Pawan Chamling (SDF) | |
• Lehislatura | Unicameral (32 puwesto) | |
• Mataas na Hukuman | Sikkim High Court | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 7,096 km2 (2,740 milya kuwadrado) | |
Ranggo sa lawak | ika-27 | |
Populasyon (2011)[1] | ||
• Kabuuan | 610,577 | |
• Ranggo | ika-28 | |
• Kapal | 86/km2 (220/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+05:30 (IST) | |
Kodigo ng ISO 3166 | IN-SK | |
HDI | 0.684 (medium) | |
Ranggo sa HDI | ika-7 (2005) | |
Literacy | 76.6% (ika-7) | |
Wikang opisyal | Nepali (lingua franca) Ingles Sikkimese, at Lepcha (mula 1977) Limbu (mula 1981) Newari, Gurung, Magar, Sherpa, at Tamang (mula 1995) Sunwar (mula 1996) | |
Websayt | sikkim.gov.in | |
† Binuwag ng Kapulungan ng Sikkim ang monarkiya at nagpasiyang maging isang constituent unit ng India. Isang referendum ang ginanap hinggil sa isyung ito at kinatigan ito ng mayorya ng botante. Noong Mayo 15, 1975 niratipikahan ng Pangulo ng India ang susog sa saligang-batas na gawíng ika-22 estado ng India ang Sikkim. |
Ayon sa talâ ng senso noong 2011, may 610,577 ang naninirahan sa Sikkim,[1] dahil dito ito ang estadong may pinakamaliit na populasyon at ikalawang pinakaliit sa lawak (pagkatapos ng Goa) na may sukat na 7,096 km².[3] Dahil sa lokasyon nito na Himalayas, sanlaksa ang heograpiya nito. May klima itong subtropikal hanggang alpine. Makikita sa hangganan ng Sikkim at Nepal ang Kangchenjunga, ang ikatlong pinakamatayog na tuktok sa buong mundo.[4] Sikát na puntáhan ng mga turista ang Sikkim, dahil sa kultura, tanawin at sanlaksang-buhay nito. Dito matatagpuan ang tanging bukas na hangganan ng India sa Tsina.[5] Ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Sikkim ay Gangtok.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.