Serpiyente (Bibliya)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Serpiyente na hinango mula sa Latin na serpens ay isang gumagapang na hayop o ahas (Hebreo: נחש), nahash, (na nangangahulugang tagabulong at tanniyn) ay umiiral sa parehong Tanakh at Bagong Tipan. Ang serpiyente o ahas ay gumampan ng mahahalagang mga papel sa buhay panrelihiyon at pang-kultura ng Sinaunang Ehipto, Canaan, Mesopotamia, at Gresya. Ang serpiyente ay isang simbolo ng kapangyarihang masama at Kaguluhan mula sa mundong ilalim gayundin bilang isang simbolo ng pertilidad, buhay at paggaling.[2] Ang Hebreong Nahash para sa ahas ay nauugnay rin sa dibinasyon kabilang ang isang anyong-pandiwang kahulugan na magsanay ng dibinasyon o panghuhula. Ang Tanniyn ay isang anyo ng halimaw na dragon na umiiral sa buong Tanakh. Sa Aklat ng Exodo, ang mga tungkod ni Moises at Aaron ay ginawang mga serpiyente na isang nahash para kay Moises at isang tanniyn para kay Aaron.