![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/8/86/Sciara_panorama.jpg/640px-Sciara_panorama.jpg&w=640&q=50)
Sciara, Sicilia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Sciara (Xara sa Siciliano; bigkas sa Siciliano: [ˈʃara]) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Palermo, rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya, na matatagpuan mga 40 kilometro (25 mi) timog-silangan ng Palermo. Noong Disyembre 31, 2004, mayroon itong populasyon na 2,788 at may sukat na 31.2 square kilometre (12.0 mi kuw).[3]
Sciara Xara | |
---|---|
Comune di Sciara | |
![]() | |
Mga koordinado: 37°55′N 13°46′E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Kalakhang lungsod | Palermo (PA) |
Lawak | |
• Kabuuan | 31.19 km2 (12.04 milya kuwadrado) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 2,813 |
• Kapal | 90/km2 (230/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 90020 |
Kodigo sa pagpihit | 091 |
May hangganan ang Sciara sa mga sumusunod na munisipalidad: Aliminusa, Caccamo, Cerda, at Termini Imerese.
Ang Sciara ay isang maliit na bayan ng pagsasaka. Ang mga pangunahing pananim ay mga kamatis, alkatsopas, at olibo. Maraming bahay ang walang laman dahil sa paglipat sa hilaga ng Italya, Alemanya, at Estados Unidos noong dekada '70, '80, atbp., dahil sa mahihirap na kalagayan sa ekonomiya. Maraming mga emigrante ang nagmamay-ari pa rin ng kanilang lupa at bahay sa Sciara at ipinagmamalaki ang kanilang bayan.