Sauze di Cesana
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Sauze di Cesana (Pranses: Sauze de Césane) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Turin, rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 70 km sa kanluran ng Turin, sa hangganan ng Pransiya.
Agarang impormasyon Bansa, Rehiyon ...
Sauze di Cesana | |
---|---|
Comune di Sauze di Cesana | |
Mga koordinado: 44°56′N 6°52′E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Piamonte |
Kalakhang lungsod | Turin (TO) |
Mga frazione | Bessen Bass, Bessen Haut, Grangesises, Rollieres |
Pamahalaan | |
• Mayor | Maurizio Beria d'Argentina |
Lawak | |
• Kabuuan | 78.28 km2 (30.22 milya kuwadrado) |
Taas | 1,560 m (5,120 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 249 |
• Kapal | 3.2/km2 (8.2/milya kuwadrado) |
Demonym | Sauzini o Sausini |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 10054 |
Kodigo sa pagpihit | 0122 |
Santong Patron | San Restituto |
Saint day | Huling Linggo ng Mayo |
Websayt | Opisyal na website |
Isara
May hangganan ang Sauze di Cesana sa mga sumusunod na munisipalidad: Abriès (Pransiya), Cesana Torinese, Pragelato, Prali, at Sestriere. Sa loob ng bayan ay ang Simbahan ng San Restituto, na isang estratehikong lokasyon noong panahon ng Dauphiné. Noong 1065 ito ay nabanggit sa unang pagkakataon sa Bula ng Cuniberto,[3] arsobispo ng Turin.