![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/c/c8/San_Silvestro_in_Capite_%2528Rome%2529.jpg/640px-San_Silvestro_in_Capite_%2528Rome%2529.jpg&w=640&q=50)
San Silvestro in Capite
From Wikipedia, the free encyclopedia
Itinayo noong ika-8 siglo bilang isang dambana para sa mga labi ng mga banal at martir mula sa mga Catacumba, ang simbahan ay ang pambansang simbahan ng Gran Britanya. Ang mga salitang Latin na "in capite" ay tumutukoy sa kanonikal na titulo ni Papa Silvestre ang Una, kung saan ang in capite ay nangangahulugang sa Una, sa Pinuno, o sa Ulo . Ang basilika ay kilala rin para sa isang relikiya, isang labi ng isang ulo na sinasabing kay Juan Bautista, na itinago sa isang kapilya sa kaliwa ng pasukan. Ang pangalawang iglesyang Romano na alay kay Papa Silvestre I ay ang San Silvestro al Quirinale.
Agarang impormasyon Simbahan ng San Silvestre ang Una, Relihiyon ...
Simbahan ng San Silvestre ang Una San Silvestro in Capite (sa Italyano) Sancti Silvestri in Capite (sa Latin) | |
---|---|
![]() Patsada ng San Silvestro in Capite, Pambansang Simbahan ng mga Katolikong Ingles sa Roma, sa Piazza San Silvestro. Papasok ng portada, mayroong patyo, na papunta sa simbahan. | |
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyon | basilika menor, Pambansang Simbahan ng Gran Britanya, titulus |
Pamumuno | Louis-Marie Ling Mangkhanekhoun |
Lokasyon | |
Lokasyon | ![]() |
Mga koordinadong heograpikal | 41°54′11.2″N 12°28′50.3″E |
Arkitektura | |
(Mga) arkitekto | Francesco da Volterra, Carlo Maderno |
Uri | Simbahan |
Istilo | Romaniko, Baroque |
Groundbreaking | 761[1] |
Mga detalye | |
Direksyon ng harapan | SSE |
Haba | 40 metro (130 tal) |
Lapad | 20 metro (66 tal) |
Lapad (nabe) | 14 metro (46 tal) |
Websayt | |
Official website |
Isara
Ang Basilika ng San Silvestre ang Una [2], na kilala rin bilang (Italyano: San Silvestro in Capite, Latin: Sancti Silvestri in Capite), ay isang Romano Katolikong basilika menor at simbahang titulo sa Roma alay kay Pope Silvestre I. Matatagpuan ito sa Piazza San Silvestro, sa kanto ng Via del Gambero at ang Via della Mercede, at nakatayo malapit sa sentral Tanggapan ng Koreo.
Ang kasalukuyang Kardinal-Pari ay si Louis-Marie Ling Mangkhanekhoun, Apostolic Vicar ng Vientiane.