San Lorenzo fuori le mura
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Basilica Papale di San Lorenzo fuori le mura (Basilika ng Santo Papa ng San Lorenzo sa Extramuros) ay isang Katoliko Romanong basilika menor ng Santo Papa[1] at simbahang parokyang matatagpuan sa Roma, Italya . Ang Basilica ay isa sa Pitong Peregrinong Simbahan ng Roma at isa sa limang dating "patriyarkang basilika", na ang bawat isa ay naatasan sa pangangalaga ng isang patriyarka ng Simbahang Latin. Ang Basilica ay naatasan sa Patriyarkado ng Herusalem. Ang Basilica ay ang dambana ng nitso ng kapangalan nito, si San Lorenzo (minsan ay binabaybay bilang "Laurence"), isa sa unang pitong diyakono ng Roma na minartir noong 258. Maraming iba pang mga santo at si Pinagpalang Papa Pio IX ay inilibing din sa Basilika, na siyang sentro ng isang malaki at sinaunang libingan.
Basilika ng Santo Papa ng San Lorenzo sa Extramuros | |
---|---|
Basilica Papale di San Lorenzo fuori le mura | |
41°54′09″N 12°31′14″E | |
Lokasyon | Roma, Italya |
Denominasyon | Katoliko Romano |
Websayt | basilicadisanlorenzo.com |
Arkitektura | |
Estado | Papal basilika menor |
Uri ng arkitektura | Simbahan |
Pasinaya sa pagpapatayo | Ika-4 na siglo |
Detalye | |
Haba | 90 metro (300 tal) |
Lapad | 25 metro (82 tal) |
Nave width | 14 metro (46 tal) |
Pamamahala | |
Diyosesis | Diyosesis ng Roma |
Klero | |
(Mga) Pastor | P. Bruno Mustacchio |