From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang martir (Ingles: martyr; Griyego: μάρτυς, mártys, "saksi"; tangkay na salita: μάρτυρ-, mártir-) ay isang tao na dumanas ng kahirapan dahil sa pag-uusig at kamatayan dahil sa pagtanggi upang talikuran, o tanggapin, ang isang pananampalataya o layunin, na karaniwang panrelihiyon, o ibang dahilan na hiningi ng isang partidong panlabas.
Sa kuwento ng pagiging martir ng pamayanang umaalala, nagresulta ang pagtangging ito na sumunod sa ipinakitang pangangailangan ng parusa o pagbitay sa isang indibiduwal ng isang mapang-api. Kaya, ang katayuan ng 'martir' ay maaring ituring isang titulong postumo bilang isang gantimpala para sa mga tinuturing na karapat-dapat sa konsepto ng pagiging martir ng nabubuhay, hindi alintana ang kahit anumang pagsubok ng namatay na ikontrol kung paano sila aalalahanin noong nabubuhay pa sila.[1] Sa ngayon, ang martir ay isang taong relasyonal ng isang lipunang may ginawang paghahati na nagagawa ng memoryang kolektibo.[2] Orihinal na nailalapat sa mga nagdusa para sa kanilang paniniwalang relihiyon, ginagamit na ang katawagan na may koneksyon na ngayon sa mga taong pinatay dahil sa politika.
Karamihan sa mga martir ay tinuturing banal o nirerespeto ng kanilang mga tagasunod, na naging simbolo ng pambihirang pamumuno at kabayanihan sa pagharap sa mahihirap na kalagayan. Gumaganap ang mga martir ng mahalagang gampanin sa mga relihiyon. Katulad nito, mayroong kapansin-pansing epekto ang mga martir sa buhay sekular, kabilang ang mga indibiduwal tulad ni Socrates, bukod sa ibang halimbawang pampolitika at pangkalinangan.
Sa orihinal na kahulugan, ang salitang martir, nangangahulugang saksi, ay ginagamit sa mundong sekular gayon din sa Bagong Tipan ng Bibliya.[3] Hindi nilayon ng proseso ng pagsaksi na humantong sa pagkamatay ng saksi, bagaman, alam na mula sa mga sinaunang manunulat (halimbawa si Flavio Josefo) at mula sa Bagong Tipan na kadalasang namamatay ang mga saksi para sa kanilang mga testimonya.
Noong unang mga siglo ng maagang Kristiyanismo, nakuha ng katawagan ang pinalawak na kahulugan ng mga mananampalataya na tinawag maging saksi para sa kanilang paniwala at dahil sa saksing ito, tiniis ang pagdurusa o kamatayan.
Ang mga unang Kristiyano na unang ginamit ang katawagang martir sa bagong kahulugan nito ay nakitang si Jesus bilang ang una at pinakadakilang martir, sa salaysay ng kanyang pagkapako sa krus.[4][5][6] Mukhang nakikita ng unang mga Kristiyano si Jesus bilang ang arketipong martir.[7]
Ginagamit ang salitang martir upang isalarawan ang iba't ibang uri ng tao. Bagaman, pinapaktia ng sumusunod na tala ang isang pangkalahatang balangkas ng karaniwang katangian sa mga estereyotipikong pagiging martir.
1. | Isang bayani | Isang taong kilalang nakatuon sa isang layunin na pinaniniwalaang kahanga-hanga. |
2. | Oposisyon | Mga taong sumasalungat sa mga layuning iyon. |
3. | Nakikinita-kinita na panganib | Nakini-kinita ng bayani ang aksyon ng mga kalaban upang saktan siya, dahil sa kanyang pangako sa layunin. |
4. | Lakas ng loob at pangako | Nagpatuloy ang bayani, sa kabila ng kaalaman ng panganib, dahil sa pangako sa layunin. |
5. | Kamatayan | Pinatay ng mga kalaban ang bayani dahil sa kanyang pangako sa layunin. |
6. | Tugon ng madla | Ang pagkamatay ng bayani ay ginunita. Maaaring tahasang maglagay ang mga tao ng marka sa bayani bilang isang martir. Ang iba pang mga tao ay maaaring magkaroon ng inspirasyon upang ituloy ang parehong layunin. |
Sa katawagang Pilipino, ang martir ay ginagamit din bilang pantukoy sa isang asawa (mapalalaki o mapababae) na matiisin sa kabiyak na masama ang ugali.[9]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.