Rosario, Cavite
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Kabite / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bayan ng Rosario ay isang mataas na urbanisadong bayan sa lalawigan ng Cavite, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 110,807 sa may 31,510 na kabahayan.
Rosario Bayan ng Rosario | |
---|---|
Mapa ng Cavite na nagpapakita ng lokasyon ng Rosario | |
Mga koordinado: 14°25′N 120°51′E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Kabite |
Distrito | Unang Distrito ng Cavite |
Mga barangay | 20 (alamin) |
Pagkatatag | 1845 |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Jose Voltaire V. Ricafrente III |
• Pangalawang Punong-bayan | Antionio H. Luna, Jr. |
• Manghalalal | 93,315 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 7.61 km2 (2.94 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 110,807 |
• Kapal | 15,000/km2 (38,000/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 31,510 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 7.69% (2021)[2] |
• Kita | ₱848,497,196.47 (2020) |
• Aset | ₱1,925,229,108.44 (2020) |
• Pananagutan | ₱305,814,433.83 (2020) |
• Paggasta | ₱737,130,713.95 (2020) |
Kodigong Pangsulat | 4106 |
PSGC | 042117000 |
Kodigong pantawag | 46 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | wikang Tagalog |
Websayt | rosariocavite.gov.ph |
Ang Rosario ay isa sa dalawampung bayan na napapaloob sa lalawigan ng Cavite. Ang pangunahing kabuhayan sa bayang ito ay ang paghuli at pagtinda ng mga yamang dagat tulad ng isda, tahong, alimasag at iba pa dahil malapit ito sa dalampasigan. Bukod sa pagtinda ng mga yamang dagat, kilala rin ang Rosario sa paggawa ng asin. Dahil dito, ang Rosario ay tinatawag din sa kanyang palayaw na Salinas. Ang pangalan na Rosario ay kailan lang na bininyagan sa bayan. Ang Rosario ay unang tinatawag na Marcella ng mga prayle noong nasasakupan pa ng mga Kastila ang Pilipinas. Ang pangalan na Marcella ay nagmula sa salitang Kastila na mar na nangangahulugang dagat.
Noong 1845, ang Rosario (Salinas Marcella) ay dating pangalawang pinakamaliit na bayan sa lalawigan. Ngunit sa ngayon, ang Rosario ay kinikilalang isa sa mga pinakamaunlad na bayan sa lalawigan ng Cavite.