![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/a/ad/Table_salt_with_salt_shaker_V1.jpg/640px-Table_salt_with_salt_shaker_V1.jpg&w=640&q=50)
Asin
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang asin (Aleman: Salz, Kastila: sal, Ingles: salt) ay isang mineral na pangunahing binubuo ng sodium chloride. Ito ay napakahalaga para sa mga hayop sa maliliit na dami, ngunit ito ay mapanganib sa mga hayop at halaman kung labis. Ang lasa ng asin, o maalat, ay isa sa mga pangunahing panlasa. Ito ang dahilan na ang asin ang isa sa mga pinakaluma at karaniwang pampalasa ng pagkain. Ang pagbuburo (salting) ay isang mahalagang paraan ng pag-iimbak ng pagkain.[1][2]
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/a/ad/Table_salt_with_salt_shaker_V1.jpg/640px-Table_salt_with_salt_shaker_V1.jpg)
Ang asin para sa pagkain ng tao ay ginagawa sa iba't-ibang paraan: hindi repinadong asin (tulad ng dagat-asin), repinadong asin, at iodized salt. Ito ay isang mala-kristal na solid, puti, mamutlang kulay-rosas o abo ang kulay, normal na nakuha mula sa tubig dagat o deposito sa bato. Ang nakakaing rock salt ay maaaring bahagyang kulay-abo dahil sa nilalaman na mineral.[3][4]
Ang mga ion na kloruro (Aleman: Chlorid, Kastila: cloruro, Ingles: chloride) at sosa (Aleman: Natrium, Kastila: sodio, Ingles: sodium), ang dalawang pangunahing mga bahagi ng asin, ay kailangan ng lahat ng mga kilalang nilalang sa maliit na dami. Ang asin ay kasangkot sa pangangasiwa ng tubig (balanse ng pluido) ng katawan. Gayunman, ang labis na asin ay nagdaragdag ng panganib sa kalusugan, kabilang ang mataas na presyon ng dugo. Dahil dito, ipinapayo ang mga awtoridad sa kalusugan may pinapayong mga limitasyon ng pandiyeta sosa. [5][6][7][8][9]