![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/a/ad/Robert_Pattinson_H%25C3%25B4tel_de_Crillon_2009.jpg/640px-Robert_Pattinson_H%25C3%25B4tel_de_Crillon_2009.jpg&w=640&q=50)
Robert Pattinson
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Robert Pattinson (ipinanganak noong Mayo 13, 1986)[3] ay artista, musikero at modelong Ingles. Siya ay nakilala bilang Edward Cullen sa pelikulang Twilight na hango mula sa nobela ni Stephenie Meyer at bilang Cedric Diggory sa Harry Potter and the Goblet of Fire.
Agarang impormasyon Kapanganakan, Ibang pangalan ...
Robert Pattinson | |
---|---|
![]() Si Pattinson noong Nobyembre 2009 | |
Kapanganakan | Robert Thomas Pattinson (1986-05-13) 13 Mayo 1986 (edad 38) London, England |
Ibang pangalan | Rob, R-Pattz,[1] Spunk Ransom[2] (mga palayaw) |
Trabaho | Artista, modelo, musikero, prodyuser |
Aktibong taon | 2004–kasalukuyan |
Isara
Si Pattinson ay isinilang sa Londres, Inglatera. Ang kanyang inang si Clare ay nagtatrabaho sa isang ahensiyang ng pagmomodelo. Ang kanyang amang si Richard ay nag-aangkat ng mga makalumang kotse mula sa Estados Unidos. Pumasok siya sa Tower House School at Harrodian School. Naging aktibo siya sa teatro dahil sa Barnes Theatre Company. Matapos ang karanasan niya ay tumanggap siya ng papel sa pag-arte.