Briton na manunulat, makata, at piloto From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Roald Dahl ( /ˈroʊ.ɑːl ˈdɑːl/;[5] Norwegian pagbigkas: [ˈɾuːɑl dɑl]; 13 Setyembre 1916 – 23 Nobyembre 1990) ay isang British na nobelista, manunulat ng maikling kuwento, makata, screenwriter, at fighter pilot. Ang kanyang mga libro ay naibenta sa humigit 200 milyong kopya sa buong mundo.[6]
Roald Dahl | |
---|---|
Kapanganakan | 13 Setyembre 1916[1]
|
Kamatayan | 23 Nobyembre 1990[2]
|
Mamamayan | Noruwega[2] United Kingdom |
Trabaho | screenwriter,[4] nobelista, awtobiyograpo, makatà, manunulat ng maikling kuwento, children's writer, manunulat,[2] fighter pilot |
Asawa | Patricia Neal (2 Hulyo 1953–1983) |
Anak | Tessa Dahl |
Ipinanganak sa Wales sa mga magulang na Norwegian, si Dahl ay nagsilbi sa Royal Air Force noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at doon siya ay naging isang flying ace at intelligence officer, at tumaas ang kanyang ranggo hanggang acting wing commander. Tumaas ang kanyang katanyagan noong dekada 1940 para sa kanyang akdang pambata at pangmatatanda at naging isa sa pinakamahusay na nabentang awtor.[6][7] Siya ay tinutukoy bilang "isa sa pinakadakilang mananalaysay (storyteller) sa mga bata ng ika-20 siglo".[8] Kabilang sa kanyang mga parangal para sa kontribusyon sa panitikan ay ang 1983 World Fantasy Award for Life Achievement, at ang Pambatang Awtor ng Taon ng British Book Awards para sa 1990. Noong 2008, initakda ng The Times si Dahl na ika-16 sa kanilang listahan ng "50 pinakamahusay na manunulat na British mula noong 1945".[9]
Ang maiikling kuwento ni Dahl ay kilala sa hindi inaasahang wakas at ang kanyang mga aklat pambata sa hindi sentimental, mapanglaw, madalas na nilalamang darkly comic, na nagtatampok ng napakasamang may-gulang na kaaway ng mga batang karakter.[10][11] Ang kampeon ng kanyang mga aklat ay mahabagin, at nagtatampok ng init sa damdamin.[12][13] Kasama sa mga akdang pambata ni Dahl ang James and the Giant Peach, Charlie and the Chocolate Factory, Matilda, The Witches, Fantastic Mr Fox, The BFG, The Twits at George's Marvellous Medicine. Ang kanyang mga akdang pangmatanda ay kinabibilangan ng Tales of the Unexpected.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.