Reynang konsorte
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang isang reynang konsorte ay ang asawa ng isang naghaharing hari, o isang empratris na konsorte sa kaso ng isang emperador. Karaniwang binabahagi ng reynang konsorte ang katayuang panlipunan at ranggo ng kanyang esposo. Hinawakan niya ang pambabaeng katumbas ng pang-monarkiyang titulo ng hari, subalit sa kasaysayan, hindi niya binabahagi ang mga kapangyarihang pampolitika at militar ng rehente.
Sa kabaligtaran, ang reynang reynante ay isang reyna sa kanyang sariling karapatan na may lahat ng kapangyarihan ng isang monarko. Isa sa pinakakilalang halimbawa ng isang reynang reynante si Reyna Elizabeth I, ang anak nina Henry VIII at Anne Boleyn. Namayani siya bilang reynang reynante mula 1558 hanggang sa kamatayan niya noong 1603.[1]