Adigeya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Republika ng Adygea (IPA: /ɑːdɨˈɡeɪ.ə/;[12] Ruso: Респу́блика Адыге́я, tr. Respublika Adygeya, IPA [ɐdɨˈɡʲejə]; Adyghe: Адыгэ Республик, Adıge Respublik) ay isang kasakupang pederal ng Rusya (isang republika) na nakapaloob o malapit sa Krasnodar Krai. Ang lawak nito ay 7,600 square kilometer (2,900 mi kuw) na may populasyon na 440,388 (paunang resulta ng Senso ng 2010).[8] Maykop ang kabisera nito.
Republika ng Adygea | |||
---|---|---|---|
Республика Адыгея (Ruso) Адыгэ Республик (Adyghe) |
|||
— Republika — | |||
|
|||
Anthem: Awit ng Republika ng Adygea | |||
Koordinado: 44°39′N 40°00′E | |||
Kalagayang politikal | |||
Bansa | Rusya | ||
Kasakupang pederal | Katimugan[1] | ||
Rehiyong pang-ekonomiko | Hilagang Caucasus[2] | ||
Itinatag noong | Hulyo 27, 1922[3] | ||
Kabisera | Maykop[4] | ||
Pamahalaan (batay noong Agosto 2011) | |||
- Pinuno[5] | Aslan Tkhakushinov[6] | ||
- Lehislatura | Konseho ng Estado (Khase)[5] | ||
Estadistika | |||
Lawak (batay noong Sensus ng 2002)[7] | |||
- Kabuuan | 7,600 km2 (2,934.4 sq mi) | ||
Ranggo ng lawak | ika-80 | ||
Populasyon (Sensus ng 2010)[8] | |||
- Kabuuan | 440,400 | ||
- Ranggo | ika-74 | ||
- Kakapalan[9] | 57.95/km2 (150.1/mi kuw) | ||
- Urban | 51.0% | ||
- Rural | 49.0% | ||
(Mga) Sona ng Oras | |||
ISO 3166-2 | RU-AD | ||
Paglilisensiya ng plaka | 01 | ||
(Mga) Opisyal na Wika | Ruso;[10] Adyghe[11] | ||
Opisyal na websayt |
Heyograpiya
Makikita ang Adygea sa Timog-silangang Europa sa hilagang paanan ng Kabundukang Caucasus, na kung saan kapatagan ang hilaga at bulubundukin ang katimugang bahagi. Napapalibutan ng gubat ang 40% ng nasasaklawang teritoryo.
- Lawak: 7,600 km2 (2,900 mi kuw)
- Hangganan: Ang buong Adygea ay napapalibutan ng Krasnodar Krai
- Pinakamataas na punto: Bundok ng Chugush na may 3,238 m (10,623 tal)
Ilog
Ang habang 870-kilometro (540 mi) ng Ilog Kuban ay isa sa mga pangunahing ilog sa rehiyong Caucasus. Nakabubuo ito ng isang bahagi ng hangganan sa pagitan ng Adygea at Krasnodar Krai. Narito naman ang ilan pang ilog na makikita sa republika:
- Ilog Belaya
- Ilog Chokhrak
- Ilog Dakh
- Ilog Fars
- Ilog KhodzI
- Ilog Kisha
- Ilog Bolshaya Laba (forming part of the eastern border between Adygea and Krasnodar Krai)
- Ilog Psekups
- Ilog Pshish
- Ilog Sakhray
- Ilog Sukhoy Kurdzhips, which flows near the archaeological site at Mezmaiskaya cave[13]
Lawa
Walang malaking lawa ang republikang ito. Subalit, mayroon naman itong malalaking tinggalan kasama na ang:
- Tinggalan ng Krasnodarskoye
- Tinggalan ng Oktyabrskoye
- Tinggalan ng Shapsugskoye
- Tinggalan ng Tshchitskoye
Kabundukan
Ang pangunahing kabundukan ng republika ay umaabot sa taas na 2,000 hanggang 3,238 m at kasama ang:
- Bundok Chugush 3,238 m (10,623 tal)
- Bundok Fisht 2,868 m (9,409 tal)
- Bundok Oshten
- Bundok Pseashkho
- Bundok Shepsi
Likas na yaman
Mayaman sa langis at natural na gaas ang republika. Ginto, silver, tungsten, at bakal ang iba pang likas na yaman dito.
Klima
- Katamtamang temperatura ng Enero: −0.5 °C (31.1 °F)
- Katamtamang temperatura ng Hulyo: 23 °C (73 °F)
- Katamtaman baksak ng ulan sa isang taon: 70 centimetro (28 pul)
Talababa
Mga kawing panlabas
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.