Ratiles ni Logan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Huwag ikalito sa Longan.
Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Ratiles.
Ang loganberi o ratiles ni Logan (Ingles: loganberry; Rubus × loganobaccus) ay isang haybrid na nalikha mula sa pagsasanib ng lumboy (blackberry) at ng raspberi/sapinit (raspberry) o dewberry (Rubus sect. Eubatus). Malalaki ang mga may asim o maasidong mga ratiles na ito na may kulay na mamula-mulang purpura.[1] Kauri ito ng titaw, banut, atibulnak, datung, palanaw, bunot, pilay, at duhat.[2]
Agarang impormasyon Loganberi, Klasipikasyong pang-agham ...
Loganberi | |
---|---|
![]() | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Dibisyon: | |
(walang ranggo): | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | Rubus |
Espesye: | R. × loganobaccus |
Pangalang binomial | |
Rubus × loganobaccus L.H. Bailey | |
Isara
Hinango ang Ingles na pangalang loganberry mula kay James Harvey Logan (1841-1928, kilala rin bilang J. H. Logan), isang Amerikanong manananggol at hortikulturista. Hindi sinasadyang nalikha niya ito noong 1880 o 1881 sa Santa Cruz, California. Inaalagaan at pinararami ang mga loganberi sa Kanlurang Dalampasigan ng Estados Unidos.[1]