![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/8/89/Dog_with_rabies.jpg/640px-Dog_with_rabies.jpg&w=640&q=50)
Rabies
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang rabies, lyssabirus o rabis (mula sa Latin: rabies, "kaululan" o "kabaliwan") ay isang karamdamang sanhi ng birus na nagdurulot ng ensipalitis sa mga hayop na maiinit ang dugo.[1] Ang sakit na ito ay soonotiko, na nangangahulugang maaari itong mailipat magmula sa isang espesye papunta sa iba pa, katulad ng pagkahawa mula sa mga aso papunta sa mga tao, na pangkaraniwang sa pamamagitan ng isang kagat na nagmula sa isang hayop na naimpeksiyon. Ang birus ng rabies ay nakakaimpeksiyon ng sistema ng nerbiyos, na sa panghuli ay nakapagsasanhi ng karamdaman sa utak at kamatayan.