From Wikipedia, the free encyclopedia
Su Wahibre Psamtik I (Sinaunang Ehipsiyo: wꜣḥ-jb-rꜥ psmṯk) ang unang paraon ng Ikadalwampu't anim na Dinastiya ng Ehipto at ama ni Necho II. Siya ay naghari sa Sais sa deltang Nilo noong 664 BCE hanggang 610 BCE.
Siya ay kilala sa Asirya bilang Pishamilki (Acadio: 𒉿𒃻𒈨𒅋𒆠 Pišamilki[5]) at Nabu-shezibanni (Acadio: 𒀝𒊺𒍦𒀀𒉌 and 𒉺𒊺𒍦𒀭𒉌[6] Nabu-šezibanni "O Nabu, iligtas mo ako!"[7]) at sa mga Griyego bilang Psammeticus o Psammetichus (Sinaunang Griyego: Ψαμμήτιχος Psammḗtikhos). Nang sakupin ni Esarhaddon na hari ng Imperyong Neo-Asirya ang Ehipto noong 671 BCE, pinatalsik niya ang mga paraong Nubiano ng Ikadalawampu't limang Dinastiya ng Ehipto at humirang ng mga gobernador na Ehipsiyo. Nang pabalikin ng kahalili niyang si Asurbanipal ang mga hukbo Asiryo mula sa Ehipto noong 664 BCE, sinunggaban ng mga gobernador na Ehipsiyo ang pamumuno sa Ehipto. Hinirang ni Psamtik I ang kanyang sarili na nag-iisang pinuno ng Ehipto. Sa kanyang pamumuno, pinag-isa ni Psamtik I ang Ehipto at naging masaganang bansa ang Ehipto. Tumulong rin siya sa humihinang Asirya laban sa Babilonya.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.