From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang planetaryo[1] o planetaryum[2] (Ingles: planetarium) ay isang tanghalan o gusali kung saan makakatanaw ang isang tao ng mga gumagalaw na mga larawan ng kalangitan o kalawakan kabilang ang mga bituin at mga planeta.[3]
Kahugis ng itinaob na mangkok ang bubungan ng isang makabagong planetaryo. Makikita na ang loob ng simboryong ito ang isang bilog na panoorang pampelikula. Dito ipinapalabas ang mga tala at mga planeta habang gumagalaw. Mayroong mga palabas o panoorin ang planetaryo na nagpapakita ng kung paano natatanaw ng mga sinaunang mga tao ang kalangitan, sapagkat naglalagay ang mga naghanda ng palabas ng mga larawang-guhit ng mga hayop, tao, o diyos na kumakatawan sa mga konstelasyon o kapisanan ng mga bituin at mga tala.[3][4]
Hindi palagiang tumutukoy ang salitang planetaryo o planetarium sa isang pook na nagpapalabas ng kalangitan, kalawakan, mga bituin at mga planeta. Sa payak na kahulugan nito, maaari ring tawaging "planetaryo" ang isang modelo ng Daigdig na siya namang ini-inugan ng isang modelo ng Buwan; o kaya mga maliliit na modelo ng iba pang mga planeta, isa man o maramihan, na nagsisi-inog sa palibot ng Araw.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.