From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Piramide ni Khafre o ni Chephren[1] ay ang pangalawang-pinakamataas at ikalawang-pinakamalaking sa mga Sinaunang Ehipsiyong Piramide ng Giza at ang nitso ng Ikaapat na Dinastiya ng Ehipto na paraon na si Khafre (Chefren), na namahala mula sa c. 2558 sa 2532 BK.[2]
Ang piramide ay malamang na binuksan at ninakawan sa panahon ng Unang Pagitang Panahon. Itinala ng Arabong historyador na si Ibn Abd al-Salam na ang piramide ay binuksan sa 1372 AD.[3]
Una itong ginalugad sa kasalukuyang mga panahon ni Giovanni Belzoni sa Marso 2, 1818, noong natagpuan ang orihinal na pasukan sa hilagang bahagi ng piramide at ang kamara ng libingan ay binisita. Umasa si Belzoni na makahanap ng isang buong libing. Gayunman, ang silid ay walang laman maliban sa isang bukas na sarkopago at ang sirang takip nito sa sahig.[4]
Ang unang kumpletong paggalugad ay isinagawa ni John Perring noong 1837. Noong 1853, bahagyang hinukay ni Auguste Mariette ang templong lambak ni Khafre, at, sa 1858, habang kinukumpleto ang paglilinis nito, natuklasan niya ang isang diorite na rebulto.[5]
Dalawang mga pasukan ang humahantong sa kamara ng libingan, isa na bumubukas 11.54 m (38 ft) pataas ng mukha ng piramide at isa na bumubukas sa base ng piramide. Hindi nakahanay ang mga daanan sa gitnang linya ng piramide, ngunit nakagilid sa silangan ng 12 m (39 ft). Ang mas mababang mga pababang daanan ay ganap na nakaukit sa bedrock, pababa, tumatakbo ng pahalang, at pagkatapos pataas upang dumugtong sa mga pahalang na daanan na humahantong sa kamara ng libingan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.