Pilosopiyang Budista
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pilosopiyang Budista ay ang pagpapaliwanag at pagpapainam ng mga ipinadalang mga turo ng Buddha ayon sa pagkakatagpo sa loob ng Tripitaka at Agama. Ang pangunahing pinagtutuonan nito ay madetalyeng pagpapaliwanag ng mga dharma na nagtatatag ng katotohanan. Ang isang paulit-ulit na tema ay ang pagpapatunay ng mga diwa, at ang kasunod na pagbabalik sa Budistang gitnang daan.[1][2]
Ang sinaunang Budismo ay umiwas sa mapampanukalang kaisipan hinggil sa metapisika, penomenolohiya, etika, at epistemolohiya,[3] subalit nakabatay sa halip sa katibayang empirikal na nakakamit ng mga organong pandama (ayatana).[4]
Gayunpaman, hinarap ng mga paham na Budista ang mga paksang ontolohikal at metapisikal sa bandang huli. Ang partikular na mga punto ng pilosopiyang Budista ay madalas na nagiging pakasa ng mga pagtatalo sa pagitan ng iba't ibang mga paaralan ng Budismo. Ang mga pagpapaliwanag at mga pagtatalong ito ang nagpalitaw sa sari-saring mga paaralan sa sinaunang Budismo ng Abhidhamma, at sa mga kaugalian at mga paaralang Mahayana ng prajnaparamita, Madhyamaka, kalikasan ng Buddha at Yogacara.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.