Si Pia Moran (ipinanganak noong 1962) ay isang artista mula sa Pilipinas. Ipinanganak siya bilang Susan Casino. Noong dekada 1980, nakilala siya bilang Miss Body Language o "Binibing Wika ng Katawan" sa pagsasalin; isang katawagang hinango mula sa kanyang kilos habang sumasayaw sa tugtuging kahalintulad din ng bansag sa kanya ang pamagat.[1][2]

Talambuhay

Noong kanyang panahon ng kasikatan, nakaganap si Moran sa loob ng 30 mga pelikulang karamihan ay kaugnay ng katatawanan. Kabilang dito ang Tolongges kung saan kasama niya si George Javier, at ang Boni & Klayd kung saan kasama niya si Redford White.[1]

Noong 1987, nakaranas ng isang aksidente ng sasakyan si Moran, isang kaganapang nakapagdulot ng pilat sa kanyang katawan, kasama ang isang nakikitang bakas na nasa gilid ng kanyang bibig. Dahil dito, pansamantalang siyang nagretiro mula sa pag-aartista sa loob ng labinlimang mga taon.[1]

Mga pelikula

  • Tolongges
  • 1981 - Boni & Klayd
  • 1982 - Sinisinta Kita

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.