From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang parsec (simbolo: pc) ay isang yunit ng haba na ginagamit sa astronomiya, na may katumbas na 30.9 trilyong kilometro (19.2 trilyong milya) o 3.26 sinag-taon.
Ang pangalang parsec ay "isang pinaikling anyo ng 'isang distansiya na tumutukoy sa isang parallax ng isang arkong second (segundo)'."[1] Nakuha ito noong 1913 sa isang suwesyon ni Britong astronomer na si Herbert Hall Turner. Ang parsec ay isang distansiya mula sa Araw hanggang sa isang astronomikal na bagay na kung saan ay may anggulong parallax na isang arcsecond (1⁄3,600 ng isang degree). Sa ibang salita, isipin na isang tuwid na linya ang naguhit mula sa bagay na iyon papuntang Mundo, ang susunod na linya ay nakaguhit mula sa Mundo papunta sa Araw, at ang pangatlong linya ay nakaguhit mula sa bagay na iyon papunta sa araw na perpendikular sa linya na naguhit mula sa Mundo papuntang Araw. Ngayon, kung ang anggulong nabuo sa pagitan ng linyang naguhit mula sa bagay na iyon papunta sa Mundo at ang linyang naguhit mula sa bagay na iyon papuntang Araw ay eksaktong isang arcsecond (arkong segundo), kung gayon, ang distansiya ng bagay mula sa Araw ay magiging isang parsec.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.