From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Papa Anastasio I na ipinanganak sa Roma at anak ni Maximus ang papa ng Simbahang Katoliko Romano mula Nobyembre 27,399 hanggang 401.[1] Kanyang kinondena ang mga kasulatan ni Origen ng Alexandria sa sandaling pagkatapos ng pagsasalin ng mga ito sa wikang Latin. Kanyang nilabanan ang mga kasulatang ito sa kanyang buong pagkapapa at noong 400 ay tumawag ng isang konseho upang talakayin ang mga ito. Ang konseho ay umayon na si Origen ay hindi tapat sa Simbahang Katoliko Romano.[2] [3] Sa kanyang pagkapapa, kanyang hinikayat ang mga Katoliko sa Hilagang Aprika na labanan ang Donatismo.[2] Siya ang papa na nag-utos sa mga pari na tumayo at magyuko ng kanilang mga ulo habang nagbabasa mula sa mga ebanghelyo. Siya ay inilibing sa Catacomb of Pontian.[4] Ayon sa kakontemporaryo ng kanyang kahaliling si Papa Inocencio I na si Jeronimo, si Papa Inocencio I ang anak ni Papa Anastasio I. [5]
Saint Anastasius I | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 27 November 399 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 19 December 401 |
Hinalinhan | Siricius |
Kahalili | Innocent I |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Anastasius |
Kapanganakan | ??? |
Yumao | 16 December 401 |
Kasantuhan | |
Kapistahan | 19 December |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Anastasius |
Pampapang styles ni Papa Anastasio I | |
---|---|
Sangguniang estilo | His Holiness |
Estilo ng pananalita | Your Holiness |
Estilo ng relihiyoso | Holy Father |
Estilo ng pumanaw | Saint |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.