![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/3/39/Lrtalogo.svg/langtl-640px-Lrtalogo.svg.png&w=640&q=50)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pangasiwaan ng Light Rail Transit[1] (Ingles: Light Rail Transit Authority, daglat LRTA) ay ang tagapagtakbo at tagapagpanatili ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (LRT) sa Pilipinas. Kabahagi nito ng Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) bilang isang kabit na ahensiya. Habang kabahagi naman ng DOTC ang LRTA, isa ring kompanyang pampamahalaan ito.
Agarang impormasyon Uri, Industriya ...
![]() | |
Uri | Pagmamay-ari ng estado |
---|---|
Industriya | Pampublikong transportasyon |
Itinatag | Maynila, Pilipinas (1980) |
Punong-tanggapan | Pasay, Pilipinas |
Pangunahing tauhan | Atty. Rafael S. Rodriguez, Tagapangasiwa |
Kita | PHP 5,664,808 kada karaniwang araw |
Dami ng empleyado | 1,707 |
Website | www.lrta.gov.ph |
Isara
Hindi pinatatakbo at pinapanatili ang LRTA ang pribadong Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila (MRT), kung saan ang responsibilidad na ito ay itinasa sa Metro Rail Transit Corporation (MRTC). Gayunpaman, may ilang panukalang isanib ang pangangasiwa ng dalawang lambat-lambat sa ilalim ng LRTA.