From Wikipedia, the free encyclopedia
Nagsimula ang pandemya ng COVID-19 sa Lungsod ng New York nang nakumpirma noong Marso 2020 ang unang kaso na may kaugnayan sa pandemya ng COVID-19 sa Lungsod ng New York. Nangyari ito nang magpositibo ang isang babaeng kamakaliang naglakbay sa lungsod mula sa Iran, isang bansang lubhang apektado na ng pandemya noong panahong iyon. Halos isang buwan ang lumipas, ang lungsod na ang pinakaapektado sa buong bansa.[5][6] Pagsapit ng Abril, ang lungsod ay may mas marami nang kaso ng coronavirus kaysa sa Tsina, ang U.K., o Iran, at noong Mayo, ay may mas marami nang kaso kaysa sa anumang bansa maliban sa Estados Unidos.
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. (Enero 2023) |
Sakit | COVID-19 |
---|---|
Uri ng birus | SARS-CoV-2 |
Lokasyon | New York City, New York, United States New York Metropolitan Area (depending on criteria of study) |
Unang kaso | Manhattan |
Petsa ng pagdating | mid-February[1] (first case found March 1)[2] |
Pinagmulan | Wuhan, Hubei, China |
Kumpirmadong kaso | |
Patay | 44,101 (37,786 confirmed, 6,315 probable)[4] |
Opisyal na websayt | |
nyc.gov/coronavirus |
Noong 20 Marso 2020, ang tanggapan ng gobernador ay naglabas ng isang ehekutibong kautusan na nagsasara ng mga hindi gaanong mahalagang negosyo. Ang sistema ng pampublikong transportasyon ng lungsod ay nanatiling bukas ngunit nagkaroon ng siksikan dahil sa nabawasang serbisyo ng transportasyon at pagdami ng mga taong walang tirahan na naghahanap ng masisilungan sa subway.
Pagsapit ng Abril, daan-daang libong taga-New York ang nawalan ng trabaho at ang mga nawalang kita sa buwis ay tinatayang aabot sa bilyon-bilyong dolyar. Higit na apektado ang mga trabahong may mababang pasahod sa mga sektor ng tingian, transportasyon at restawran. Ang pagbaba ng kita, buwis sa pagbebenta, at kita sa turismo, kabilang ang kita sa buwis sa mga otel ay maaaring magdulot sa lungsod ng $10 bilyong pagkalugi.[7][8] Ipinahayag ni Alkalde Bill de Blasio na ang sistema para sa mga walang trabaho ay gumuho kasunod ng pagdami ng mga claim at mangangailangan ito ng pederal na tulong upang mapanatili ang mga pangunahing serbisyo.[9]
Ang nagpapatuloy na pandemya ay ang pinakamalubhang kalamidad sa kasaysayan ng Lungsod ng New York kung ang bilang ng namatay ang pagbabatayan.[10][11][12]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.