![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/1/19/2009_Pacific_typhoon_season_summary.png/640px-2009_Pacific_typhoon_season_summary.png&w=640&q=50)
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2009
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Panahon ng bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2009 ay walang opisyal na hangganan, ngunit karamihan ng mga bagyo (tropical cyclones) ay kadalasang nabubuo tuwing buwan ng Mayo hanggang Nobyembre.[1] Sa mga petsang ito kadalasan madalas mabuo ang mga bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko.
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2009 | |
---|---|
![]() Mapa ng mga dinaanan ng bagyo sa panahong ito | |
Hangganan ng panahon | |
Unang nabuo | 3 Enero 2009 |
Huling nalusaw | 8 Disyembre 2009 |
Pinakamalakas | |
Pangalan | Nida |
• Pinakamalakas na hangin | 215 km/o (130 mil/o) (10-minutong pagpanatili) |
• Pinakamababang presyur | 905 hPa (mbar) |
Estadistika ng panahon | |
Mahinang bagyo | 22 opisyal, 3 di-opisyal |
Bagyo | 13 opisyal, 2 di-opisyal |
Superbagyo | 5 |
Namatay | 2242, 228 nawawala |
Napinsala | $12.219 bilyon (2009 USD) |
Panahon ng bagyo sa Kanlurang Pasipiko 2007, 2008, 2009, 2010, 2011 |
Ang saklaw ng artikulong ito ay limitado lamang sa Karagatang Pasipiko, hilaga ng ekwador, at kanluran ng International Date Line. Ang mga bagyo na nabubuo sa silangan ng International Date Line, hilaga ng ekwador ay tinatawag na hurricane o bagyo. Ang mga bagyong mabubuo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ay binibigyan ng pangalan ng Japan Metrological Agency. Ang mga bagyong na nabuo ay binibigyan ng numero na may hulapi na "W" ng Joint Typhoon Warning Center ng Estados Unidos. Sa karagdagan, ang Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas (PAGASA) ay nagbibigay din ng pangalan sa mga bagyo (kasama ang mga Tropical Depressions) na pumasok o nabuo sa Pilipinas. Ang mga pangalang ito ay hindi pangkaraniwang ginagamit sa labas ng Pilipinas.