Panandaliang kalagayan ng himpapawid From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang panahon o kalagayan ng panahon ay ang paglalarawan sa kalagayan at katangiang pangkalikasan sa labas ng tahanan, gusali o anumang tirahan ng tao, hayop, halaman at iba pang mga nilalang, na ayon sa singaw ng kalawakan o ng atmospera ng daigdig. Tumutukoy ito sa kainitan, katuyuan, kalamigan, kabasaan, katahimikan, pagka-maaraw, pagkamahangin, o pagiging maulan sa isang pook, sa isang takdang oras, na maaaring magbago. Nararamdaman, naririnig, nakikita ng tao ang epekto ng panahon at maging ang pagbabago sa kalagayan nito. Nasusukat din ang panahon sa pamamagitan ng mga termometro, barometro, barograpo, sikrometro o higrometro, panukat ng hangin, anemometro, at mga panukat ng ulan. Depende rin ang taya ng panahon sa pagdating ng kapanahunan ng tag-init, taglamig, taglagas, tagsibol at tag-ulan.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.